Friday, March 09, 2012

AKO'Y PAGBIGYAN MULI (Isang Tulang Pag-Aalay)

Di alintana
Lungkot na aking nadarama
Simula nang landas nati'y
Magpasyang maghiwalay.

Pilitin ko ma'y
Ikaw ay limutin 
Sadyang ngalan mo 
Nakatatak sa puso't isip. 

Puso ko'y nananaghoy 
Hinahanap-hanap pag-ibig mo 
Isipan ko'y litung-lito 
Kaiisip lamang sa iyo. 

Ako sana'y bigyan 
Pangalawang pagkakataon 
Upang mapatunayan ko 
Na pag-ibig sa iyo'y totoo. 

Ibibigay lahat ng iyong naisin 
Kaharian man ni Hades, aki'y tatahakin. 
Lahat ay aking gagawin 
Para lang puso mo'y muli, maging akin. 

Pagsisilbihan kita 
Na parang isang diyosa 
Iibigin kita 
Na parang ikaw na lamang, natitirang babae sa sanlibutan. 

Lahat ng ito'y 
Sa iyo'y ipinapangako 
Pangako ko sa iyo 
Tiyak na hindi mapapako!

No comments:

Post a Comment