Friday, March 09, 2012

DIYOSA NG AKING PUSO (Isang Tulang Pag-Aalay)

Sino nga ba ang hindi mahuhumaling
Sa ganda mo na kabigha-bighani?
Diyosa ng Kagandahan para bang sa iyo ay sumapi
Si Venus, sa wakas! Nakahanap na ng katunggali.

Hindi na ako magtataka pa 
Kung bakit sa’yo maraming natutulala 
Pagkat sa t’wing ika’y makikita 
Pana ni Kupido’y sa puso ko ay tumatama. 

Masaya man ako’t ika’y nakilala 
Di pa rin maitatago lungkot na aking nadarama 
Pagkat nais ko sa t’wi-t’wina 
Ikaw sana’y laging kasama. 

Alam kong ika’y may ibang mahal 
Katotohanang sa akin ay sumasakal 
Ngunit kahit na ako’y hindi mo mahal 
Patuloy ko pa rin ipadadama walang hanggang pagmamahal. 

Tulad ng aking ipinangako 
Sa unang tula na aking ginawa para sa’yo 
Ikaw A.M.A. parating laman ng isip ko 
Mananatili ka sa loob ng aking puso.

No comments:

Post a Comment