Friday, March 09, 2012

BUHAY NG TAO (Isang Tula)

Ang buhay ng isang tao
Ay sadyang napaka-kumplikado.
Maraming problemang laging dumarayo
Na para bagang nais na nating yumao.
Mga problema na kapag di nabigyang solusyon
Siguradong abot mo'y Alta-presyon.

Ang buhay ng isang tao
Maihahalintulad sa isang kabayo.
Na kahit gaano kabilis tumakbo
Matatalo at matatalo rin ng kalabang pursigidong manalo.
Kaya sa pagharap sa mga problema
Dapat buong puso ang kasama.

May mga pagkakataon
Na halos ayaw na nating bumangon.
Ngunit ito ang pagkatatandaan mo
Kung ang tao'y wala nang maisip na solusyon
Kumapit ka kapatid
At sa Kanya'y ika'y manalangin.

No comments:

Post a Comment