May mga pagkakataon sa aking buhay
Na halos ayaw ko nang mabuhay.
Mga pagkakataon na gusto ko nang sumuko
Dahil para bagang wala nang pag-asang natitira sa aking puso.
Gustuhin ko mang ilabas yaring aking nararamdaman
Ngunit walang sinuman ang aking maaaring mapagsabihan.
Pakiramdam ko tuloy ako'y nag-iisa
Nag-iisa sa madilim at malungkot na aking buhay.
Walang kaibigan na matakbuhan
Kaibigang maaaring sandalan.
Walang ina na makaintindi
Sa anak na puno ng pighati.
Walang ama na malapitan
Kung kailangan ng payo.
Walang kapatid na mapagkwentuhan
Ng kung anong nararamdaman ko.
Ang buhay ko
Ay isang mundong walang araw
Araw na nagbibigay ng liwanag.
Ang buhay ko
Ay isang puno na walang mga ugat
Mga ugat na tutulong para ako'y mabuha.
Ang buhay ko ay para bagang walang saysay
Buhay na puno ng hinagpis at kalungkutan.
Kailan ko kaya makakamtan
Kaligayahan matagal ko nang inaasam-asam?
Para itong buhay kong puno ng kalungkutan
Ay biglang magbago at magkaroon ng kulay.
Sa Diyos ayo'y nananalangin
Na ako'y Kanyang alalahanin.
Sa Kanya, akin ay ipinauubaya
Itong buhay kong kaawa-awa.
No comments:
Post a Comment