Friday, March 09, 2012

AUGUST 23, 2010 MANILA HOSTAGE TAKING



Ngayong araw na ito ay nagmistulang isang nakakaawa at nakakatakot na kaganapan sa kasaysayan ng ating bansa. Kanina ay naganap, sabihin na natin, ang isa sa mga napakalaking hostage taking sa ating bansa na nanggulat sa ating lahat hindi lamang sa ating mga Pilipino kung hindi sa buong mundo.

Bakit nga ba mayroon paring mga ganitong pangyayari sa ating bansa? Ito ba ay dahil sa kapabayaan ng ating mga opisyales ng pamahalaan o ito ay dahil sa kakulangan ng disiplina ng bawat isa?

Sa nangyari kanina, marami ang nag-react­ sa mga social networking sites tulad ng Facebook. Marami ang nagsasabi na kung pinagbigyan ng mga pulis ang kagustuhan ng hostage taker, sana'y walang namatay. Sa makatuwid, sinisisi nila ang mga pulis kung bakit maraming napaslang sa naganap na hostage taking.

Sa bawat problema, hindi lamang isang tao ang nararapat sisihin sa nangyari. Both parties are held responsible for that. Parang ung hostage taking lang sa Quirino Grandstand. It's not just the policemen's fault na hindi pagbigyan ung demand ng hostage taker. It's also the fault of the hostage taker. Kung hindi siya nang-hostage, hindi sana siya makukulong o mapapaslang. Kung gusto niya talagang bumalik sa pagiging pulis, dapat nakipag-usap siya ng maayos in such a way na walang mapapahamak! Remember, there's a due process of law!

Sa aking sariling obserbasyon, nangyayari itong mga pangyayaring ito sa ating bansa dahil sa kakulangan ng disiplina sa sarili. Isa pang dahilan ay ang kakulangan ng self-control. Hindi mo magagawa ang isang bagay na makakasama sa ibang tao kung disiplinado ka at kung kaya mong kuntrolin ang nararamdaman mo.

Dahil sa kaganapang ito, pito sa labing-apat na mga Hong Kong nationals (kung hindi ako nagkakamali) ang nasawi. At dahil pa dito, naglabas ng kautusan ang gobyerno ng Hong Kong ng top-level black travel alert. Ito ay kautusan na nagpapabawal sa mga Hong Kong nationals na tumungo sa ating bansa dahil sa naganap na pangho-hostage.

Napakalaking epekto ang dinala ng kaganapang ito sa istado ng turismo sa ating bansa. Labis na naapektuhan ang imahe ng ating bansa.

Ano na lamang ang mukhang ating ipapakita sa mga dayuhan? Paano na ang ating bansa?

Instead of thinking negative things, why don't we just think of the best solution that will help to regain the lost percentage in our country's tourism rate? We can't do anything about just what happened a while ago. We can't turn back the time. So, let's just all move on. This event will serve as a lesson to all of us. And the bottom line, there will be no greater weapon than PRAYERS!! God Bless the Philippines!!

No comments:

Post a Comment